Thursday, December 8, 2011

Ayawan na...

Sabi kasi stop ko na daw eh. Kaya ayun ginawa ko na. Eh ano na after that? ANo na ako at ano na gagawin ko? Yung ANOMIE nga pala hindi ko na gagawin kasi naman wala na ako gana sa lahat ng bagay. Gagawin ko na lang trabaho ko. Yung trabaho hindi naman yan ang pumapatay ng pangarap kasi sa simula pa man patay na ito. Ano na nga ba ako ngayon? Ah ewan...

Iisipin ko na lang na NAGPASA ako. That way masasabi ko sa sarili ko at sa iba (kung may pakialam ang iba) na nagawa kong magpasa ng script sa isang premyadong competition. Kasi alam ko in my heart of hearts walang ka kwenta kwenta ang mga pinag-gagagawa kong mga sulatin. Dito na lang tayo sa TUNAY. Doon sa totoong nagbibigay-dahilan sa akin para mabuhay pa-- ang aking source of income. My work.

Kasi wala namang saysay ang Ma-inlove o magkaroon ng PASSION sa isang bagay. Lalo ka l;ang lulubugin nito kapag the time comes na mawala (o maagaw ito sa iyo) Eh kung ganun din naman eh di mas mabuti pang huwag na nating hananpin at mas lalong wag na wag nating hangarin.

Mas malinis nga naman kung ganun. Masaya? Hindi. Matino? Oo. Kaya nga itinitigil ko na ang mga kahiubangan kong ito. Kasi wala namang mang MALLARE, este mangyayare.

So ano ER, siguro masaya ka na sa pagiging miserable mo? Sige, ipagpatuloy mo lang yan. Kita kits na lang sa finals!

No comments:

Post a Comment