Sunday, December 4, 2011

Anomie Project Update

Well, I can't actually call them ungrateful since wala naman ako justification para tulungan nila ako. Simula pa lang mag-isa na ako kaya dapat masanay na rin ako sa pinli kong landas na mag-solo at gawin ang mga bagay-bagay na mag-isa. Less than 4 more days na lang ang nalalabi para matapos ko ang sinusulat ko at nakalaan ang buong Monday na ito para lang mailatag ko ang buong script at consequently maipasa sa wakas sa FDCP ang aking entry.  Now who's glory is this? For all I know I'm writing crap and this crap may very well be my chance of redemption. As if anyone would care. I just want to send an entry Goddamnit! Kaya nga determined ako magtagumpay, sumali at pumalpak kesa maging drowing na naman at magsayang ng mga opprotunities na dumarating sa aking buhay. Biruin mo itinapon ko na nga ang pangarap kong sabog para sa menial stability at naging motto ko na nga ang "SINAING muna bago SINING."  Ang ikinalulungkot ko lang ngayon, kasi yata parang nakalimutan na ako ng mundo. SIgruo much better yun kasi malaya akong makakagawa. Kaya ko nman siguro gawin ito ALONE. Basta yun ang itinatak ko na sa isip ko. Pag hindi nanalo eh di mas ok, wala na masyado tatrabahuin. Pag wagi naman, siguro naman makakaya ko gawin ito lahat kasi MAY PERA ako. Madali lang humawak ng tao sa kapangyarihan ng pera. Believe me I know.

No comments:

Post a Comment