Friday, March 4, 2011

My PBB Season 4 Audition Experience

March 4, 2011... around 8:00AM sa Planetarium Parking ng MOA. Ang haba agad ng pila. Naubos ang baon kong 2 pieces spam sandwich ng bandang 1pm lang. Nasa pila pa rin ang bagal ng usad. katapat ng malaking tarpng SM Bowling Championships tapos kapiraso lang ang inusog... hanggang dumaan ang oras, alas 3 malayo pa rin ang agwat namin sa tent. haizt... nauubos ang pera ko sa mineral water na bente pesos at isang 45 pesos na TJ Hotdog. yung coke in can 30 times 2 bale 60 pesos. Nambuburaot na nga lang ako ng biskwit at popcorn, candy, yosi (lights) at kung anu ano pa gaya ng lotion, pulbos at minsan pati dyaryo maibsan man ang pagod at pagkabagot. Dami kasi sumisingit at nagtutulakan, mga umaalis sa pila tapos pagbalik lima na sila. pero kahit ganun, in pursuit of happiness ikanga magtyatyaga ka tallaga. 6 o'clock na at nasa gilid na ako ng tent.Konti na lang makukuha ko na ang sticker at yung release. eh sadyang magulo pa rin. kaya hiniwalay na ang queue-in at sa bawat linya, tig-20 ang bigyan ng sticker at papasukin. Number 06546. tapos dun pa lang ako nakipagkaibigan nung papasok na sa loob. Si April, Princess, Set, Haggi,Margie at Din. Ayun dito ko na lang putulin ang kwento.... Gusto ko pa sana magkwento kaya lang ibabaon ko na lang sa gunita ang lahat. Kasi alam ko naman naging masaya at memorable ang experience na ito hindi basta basta makakalimutan. Detalye oo, pero yung tsura nang lahat ng mishaps... hindi. Kaya lang naman naisulat ito para wag malimutan. Ikanga, Dont trust your rusty memories!