Wednesday, February 16, 2011

This is where it started...

There comes a time when you write you suddenly begin to think that all the ideas that are cooped up inside your tiny mind are released without proper briefing and they might just run wild as they are removed on paper and instilled on another mind. Hopefully, that transference of minds might result in new ideas to be born and thus the cycle moves on. It is indeed... ay teka, para naman akong timang wala naman babasa nito eh. Ireklamo mo sa SEO. Mas mabuti nang ganun. Tinitignan ko lang kung nakakawala ng stress ang pagsusulat. Hindi naman pala. Wag na nga lang...

Wednesday, February 2, 2011

pakapalan tayo ng mukha

Bakit kaya ganun...Hindi naman ako naghahanap pero sige ang dating ng mga babae sa buhay ko. Oh, sasabihin mo, ayos yan pre anong masama dun? Kasi ho, ang sagot ko naman dyan, mahrap magpa-asa ng girl. Kung pinagbigyan ko ang isa, magtatampo naman yung iba. Pati pag pumili ka na di mo na matitikman, este malalaman ang timpla nung iba. Pag pinagsabay-sabay ko naman gugulo lang ang buhay ko. Pag one at a time, aabutin ako ng mahabang panahon, nakakapagod din magpahintay. Ngayon sasabihin mo, eh di para di ka na mahirapan mamgay ka naman! Ano ka hilo? kaht siguro ibigay ko yung tatlumpu sa kanila sa akin pa rin ang balik nila eh. Hindi ko na kasalanan yun pag ikinama mo na yan then ang sinisigaw na pangalan ay yung akin. Believe me, may pinaarbor na ako ang trip nya gusto laging nakamaskara yung guy na pinagbigyan ko. Sabi sa akin, tsong saan ako maghahanap ng maskara ng mukha mo? Minsan nga ang hirap kasi 8 chicks ang magtetext at magtatanong kung kumain na ba ako, then irereply ko hindi pa. Sabay sagot sa akin, hetong akin gusto mo? 3 out of 8 yun ang reply. Ang isa isasagot w8 ka lng dyan bebabes ko ipagluluto kita. yung isa sabi 'lika kain tayo sa labas treat ko. yung isa sabi wawa ka naman... yung isa sabi magdiyeta ka para next time di ako mabigatan. at yung last 'k' lang ang sagot pero tatawag bigla iiyak sayo sabi pls kuman ka na ayokong mangayayat ka.

Ewan ko ba ano nakita nila sa akin, at ngayong 2011 para bang magnet silang nahahatak sa kapogian ko at para silang kabute na sumusulpot sa buhay ko. Kung ako ang papipiliin sana merong equivalent na pest control service sa mga "unwanted ladies" na 24/7 nakadkit sa iyong parang linta. Parang Dikya na rin, kasi kating-kati na sila at gusto na ikiskis ang mga maiinit nilang katawan sa akin. Kung pwede nga lang sabihin sa kanila, na magpapalit na ako ng "relihiyon" at maglaladlad ng kapa para lang makawala sa kanila, pero di pa rin nila binili ang pagpapanggap ko. Sadya ba talaga akong ganun kagwapo?

Darating ang araw na magsasawa din ang 126 na babaeng ito. Malalaman nila na ako ay simpleng binata nab ang hangad lamang ay mahanap ang nag-iisang girl na talagang mamahalin ko. Alam ko nandyan lang siya. Yung tatanggapin lahat ng kahinaan ko at gagawin itong sandigan at lakas. Ang magiging damsel in distress na ipagtatanggol ko para mapatunayan ko ang aking abilidad at kakayanan. Ang mapaglingkuran at ang magsilbi sa kanyang kamahalan. Pero sa mga nangyayari ngayon matatagalan pa bago umayaw sila. Kaya sa babasa nito. TULUNGAN NINYO AKO.





(DISCLAIMER: This is a work of fiction. Puro kasinungalingan ito. Well, may katotohanan ng onte ang third paragraph)